Kulimlim lyrics
by Angela Ken
[Verse 1]
Tulalang nakangiti sa kawalan
Oras 'di hamak na 'di namalayan
Habang dama ang haplos ng hangin
Kasabay ang pagbulong ng dalangin
[Pre-Chorus]
Manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo
Oh, mahal, tanging ningning ng ngiti mo pa din
Ang pipiliin
[Chorus]
Ilang bukas man ang dumaan
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang ang uuwian
Hiwaga mo man ay mawala
Ako ay mananatili at
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Kahit panandalian
[Verse 2]
Nakakakilig isiping
Sabik akong matunaw sa 'yong tingin
Labi mo ang salarin
Puwede ba na angkinin?
[Verse 3]
At ngayong kapiling ka
Kahit walang kasiguraduhan
Kalabanin man ang kamay ng orasan
Ayos lang, basta't nandirito ka
(Nandirito ka, nandirito ka)
[Pre-Chorus]
Pero miski kamay mo'y suntok sa buwan kung mahawakan
Awiting alay sa 'yo ba ay tutuldukan?
[Chorus]
Ilang bukas man ang dumaan
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang ang uuwian
Hiwaga mo man ay mawala
Ako ay mananatili at
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Kahit panandalian
[Bridge]
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
At kahit manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo
Oh mahal, tanging ningning ng ngiti mo pa din, oh
Ang pipiliin
[Outro]
At ngayong kapiling ka
Kahit walang kasiguraduhan
Kalabanin man ang kamay ng orasan
Ayos lang, basta makapiling ka
Kahit panandalian