Tunay Na Damdamin lyrics
by Richard Reynoso
[Intro]
Hey
Tunay, ooh, ooh-ooh
Tunay, ooh, ooh-ooh
[Verse 1]
Kapag nasabi na'ng dapat sabihin
’Di kaya magbago ihip ng hangin?
Kapag naawit na'ng dapat awitin
'Di kaya magbago pagtingin mo sa ’kin?
[Pre-Chorus]
Tunay na damdamin, 'wag pipigilin
Pag-ibig mo ang pairalin
At ang ating puso na nagmamahalan
Ay 'di dapat mahadlangan
[Chorus]
Tunay (Tunay) na damdamin
Ay tunay na pag-ibig
Tunay na damdamin ('Wag mong pigilin)
'Wag mong pipigilin
Tunay (Tunay) mong damdamin
Ay tunay na pag-ibig
Tunay mong damdamin (Ay iyong pairalin)
Ay 'yong pairalin
[Verse 2]
'Di ba tayo ay maligaya
Noong tayo, sinta, ay magkasama? (Naaalala mo ba?)
Tunay, bughaw'y napapawi rin
Nagkulay luksa nang ako’y lisanin
[Pre-Chorus]
Tunay na damdamin, ’wag mong pipigilin
Pag-ibig mo ang pairalin
At ang ating puso na nagmamahalan
Ay 'di dapat mahadlangan
[Chorus]
Tunay (Tunay) na damdamin
Ay tunay na pag-ibig
Tunay ng damdamin (’Wag mong pigilin)
'Wag mong pipigilin
Ang tunay (Tunay) na damdamin
Ay tunay na pag-ibig
Tunay mong damdamin (Ay iyong pairalin)
Ay iyong pairalin, aw
[Verse 3]
Malayo ka ma't hindi kasama
Puso ko'y sa ’yo hindi magbabago (Naaalala mo ba?)
Kalungkutang ating nadarama
Walang iba sinta, tayong may sala
[Pre-Chorus]
Tunay mong damdamin, pinigilan
Ng takot sa usap-usapan
'Di ba't ang ating puso ay nagmamahalan?
Hindi dapat mahadlangan
[Chorus]
Tunay (Tunay) na damdamin
Ay tunay na pag-ibig (Tunay na pag-ibig)
Tunay mong damdamin ('Wag mong pigilin)
'Wag mong, 'wag na 'wag mong pipigilin
Tunay, tunay na damdamin, woah! (Tunay)
Ay tunay na pag-ibig (Tunay na pag-ibig)
Ang tunay na damdamin
Ang 'yong pairalin
[Outro]
Ang tunay na damdamin