Isang Libong Dasal lyrics
by Renz Verano
[Verse 1]
Lagi-lagi na lang laman ka ng isipan
Paulit-ulit na tinititigan ang iyong larawan
Ang akala ko'y ako pa rin
Nagtiwala sa mga pangakong 'di totoo
[Pre-Chorus]
Hanggang ngayon naghihintay sa 'yo mahal
Iginawad mong pag-ibig, dulot sa 'kin ay pait
[Chorus]
Pumanaw man ako, puso'y hindi magbabago
Sana'y lagi mong isiping ikaw ang pag-ibig ko
Kahit isang libong dasal ay gagamitin ko
Baka sakaling marinig
Ang pag-ibig na tanging dalangin ko
[Verse 2]
Ewan ko ba bakit ikaw pa
Ang siya ko pang nakita
Bakit ngayo'y walang pag-asa?
Kulang pa ba paghihirap ko?
Ano pa bang kailangan at upang ako'y ibigin mo?
[Pre-Chorus]
Umaasang tatanggapin mo ang damdamin ko
Ipaglalaban ito hanggang sa dulo ng mundo
[Chorus]
Pumanaw man ako, puso'y hindi magbabago
Sana'y lagi mong isiping ikaw ang pag-ibig ko
Kahit isang libong dasal ay gagamitin ko
Baka sakaling marinig
Ang pag-ibig na tanging dalangin ko, oh-oh
[Instrumental Break]
[Chorus]
Pumanaw man ako, puso'y hindi magbabago
Sana'y lagi mong isiping ikaw ang pag-ibig ko
Kahit isang libong dasal ay gagamitin ko
Baka sakaling marinig
Ang pag-ibig na tanging dalangin ko
(Pumanaw man ako, puso'y hindi magbabago)
Sanay lagi mong isiping ikaw ang pag-ibig ko
Kahit isang libong dasal ay gagamitin ko
Baka sakaling marinig
Ang pag-ibig na tanging dalangin ko