Mag-Ibigan Kayo lyrics
by Fr. Joselito Jopson
[Verse 1]
Pinakita ko, Aking pagmamahal
Na nagbibigay init sa buhay
Isang halimbawa ng pagbibigayan
Paghahandog ng buhay sa iba
[Verse 2]
Nabatid n'yo ba Aking ginagawa
Nang kayo'y Aking pinaglilingkuran
Ang ginagawa Ko ay gayahin n'yo
At sundin ang bagong utos Ko
[Chorus]
Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo
Katulad ng pag-ibig Ko san'yo
Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo
Katulad ng pag-ibig Ko san'yo
[Verse 3]
Wala nang hihigit sa isang pag-ibig
Ang taong naghandog, buong sarili
Para sa kaibigan, buhay ay iaalay
Para sa inyo, Ako'y ibibigay
[Chorus]
Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo
Katulad ng pag-ibig Ko san'yo
Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo
Katulad ng pag-ibig Ko san'yo
[Verse 4]
Manatili sa Aking pagmamahal
Upang maging lubos inyong kagalakan
Tanging dito lamang makikilala
Kung ang bawat puso'y nagmamahal
[Chorus]
Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo
Katulad ng pag-ibig Ko san'yo
Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo
Katulad ng pag-ibig Ko san'yo
[Outro]
Mag-ibigan kayo
Katulad ng pag-ibig ko sa'nyo