Alagaan Ako, O Diyos Ko lyrics
by Fr. Joselito Jopson
[Refrain]
Alagaan ako, O Diyos ko
Ikaw lang ang pag-asa ko
Alagaan ako, O Diyos ko
Ikaw lang ang pag-asa ko
[Verse 1]
Ikaw lamang Poon ang aking buhay
Ikaw lamang, aking tagumpay
'Di mawawalay, Ikaw sa aking paningin
'Di matitinag, Ika'y sa 'king tabi
[Refrain]
Alagaan ako, O Diyos ko
Ikaw lang ang pag-asa ko
[Verse 2]
Nagpupuri ang puso ko at diwa
Panatag, aking kalooban
'Di hahayaang ang ako'y mapahamak
Sa mundo ng yumao'y maaagnas
[Refrain]
Alagaan ako, O Diyos ko
Ikaw lang ang pag-asa ko
[Verse 3]
Ituturo Mo ang landas ng buhay
Kagalakan sa 'Yo nadarama
'Pagkat ang tulong Mo ay nagdudulot
Ng ligaya na magpakailanman
[Refrain]
Alagaan ako, O Diyos ko
Ikaw lang ang pag-asa ko
Alagaan ako, O Diyos ko
Ikaw lang ang pag-asa ko