Papuri Sa Diyos Sa Kaitaasan lyrics
by Fr. Joselito Jopson
[Refrain]
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
[Verse 1]
At sa lupa'y kapayaan
Sa mga kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka't dinarangal
Sinasamba Ka namin
Ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng Langit
Diyos Makapangyarihan sa lahat (Sa lahat)
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama
[Refrain]
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
[Verse 2]
Ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng daigdig
Maawa Ka sa amin, maawa Ka sa amin
Ikaw na naluluklok sa Kanan ng Ama
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang Hesukristo ang Kataas-taasan
Kasama ng Espiritung Banal (Kasama ng Espiritung Banal)
Sa kadakilaan ng Diyos Ama
Amen
[Refrain]
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri sa Diyos sa kaitaasan