Ano? Bakit? Paano? lyrics

by

Lyka Estrella



[Verse 1]
Naitanong mo na ba sa iyong sarili
Kung sino ka na ngayon?
Nasumpungan mo na bang alamin kung bakit
Nandito ka, pumipintig ang puso?

[Verse 2]
Napupuna mo na ba na nakapagtatakang
Minsa'y sadyang napakahirap
Naranasan mo na bang magtanong, maghanap
Kung bakit, anong dahilan ng lahat ng ito?

[Chorus]
Ano? Bakit? Paano?
Kailan? Saan? At gaano?
Kung 'di mabatid ng isip mo
Panahon na'ng magsasabi sa 'yo
Kung ano, bakit, paano

[Verse 3]
Nais mo bang mabatid?
Manalangin at maunawaan
Ang gumugulo palagi
Makikita mo darating ang mga kasagutan

[Chorus]
Sa ano, bakit, paano
Kailan, saan at gaano
Kung 'di mabatid ng isip mo
Panahon na'ng magsasabi sa 'yo
Kung ano, bakit
[Bridge]
Asahang may liwanag sa dilim
Bawat pintig ng puso ay damhin

[Chorus]
Ano? Bakit? Paano?
Kailan? Saan? At gaano
Kung 'di mabatid ng isip mo
Panahon na'ng magsasabi sa 'yo
Kung ano, bakit, paano (Ano? Bakit? Paano?)

[Outro]
Ano? (Ano?) Bakit? (Bakit?) Paano?
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net