Pahintulot lyrics

by

Shirebound and Busking



[Chorus]
Giliw, kung pahihintulutan mo ako
Ipagkakatiwala ko sana sa'yo ang puso ko

[Verse 1]
Alamat lang ba ang pahinga ng dalawang puyat sa
Pira-pirasong mga bugtong, nagtatanong
Sagot ay 'di mahalaga, sapat na sa'king nariyan ka
Paumanhin, paumanhin, salat sa kasanayang linawin

[Chorus]
Giliw, kung pahihintulutan mo ako
Ay 'papakilala ko sana sa'yo ang buong mundo

[Verse 2]
Balagtasan ng nagtatapatang makatang
Maligalig ang mga tugma
Limot na kung paano ang umasa

[Chorus]
Giliw, kung pahihintulutan mo ako
Ang aking hangganan ay ipapamalas ko sa'yo

[Chorus]
Giliw, 'pinakikiusap ko sa'yo
Sana'y pakaiingatan 'yang puso ko
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net