Clara Benin

"Araw't Gabi"

Lumiwanag ang mundo nang ika'y nasilayan
Ako’y tuluyang napuno ng ligaya

Puso ko'y huminto nang ikaw ay lumapit
Parang pelikulang slow motion
'Di alam ang gagawin

Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Habang panahon ikaw ang may hawak sa akin
Araw’t gabi

O kay sarap, kay sarap talagang magmahal
'Pag alam mong mahal ka rin niya
Araw't gabi, ikaw ang ninanais ng
Puso kong ngayon lang nagising

Mababalik ko pa kaya ang kahapon
Noong tayo'y mga batang walang alintana

Palawak nang palawak ang pagitan
Ano ba ang nangyari biglang nailang?
Natuyo ang sanhi, sino bang masisisi
Sabik na sabik na ako sa mga 'di mo sinasabi
Araw't gabi

O kay sakit
Masakit talaga ang magmahal
'Pag alam mong mahal niya'y naglaho na
Araw’t gabi ikaw ang ninanais ng
Puso kong ngayon lang nagising

Dumilim ang mundo ng ika’y lumayo
Ako'y tuluyang napuno ng lungkot

Puso ko’y huminto nang ika'y bumitiw
Parang pelikulang slow motion
'Di alam ang gagawin
Araw't gabi

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2018 Bee Lyrics.Net