Itutuloy lyrics

by

Zelijah


[Intro]
Ano mang bundok
Ay handa kong akyatin
Tuktok lang ay marating
Hindi ako titigil
Ga'no man kalayo
Handa 'kong dumayo
At kahit na matalo

[Verse 1]
Merong bumubulong sa akin na, "Hindi ka magaling"
P'ano ilalabas sa isip ko ang kaya kong gawin
Ang dami kong pagpipilian, anong dapat tanggalin
'Di ko dapat kalimutang sarili ko'y mahalin
Ako'y tustado na sa ilaw, madalas nasisilaw
Ngiting 'di mapaliwanag, loob ay nababagabag
Kislap na higit sa hikaw gagamiting pampalinaw
At nang 'di ako mabasag, ang nais ko'y mapanatag
Oo nga noh, sabi sa salamin, "Sino nga ba 'ko?"
Ilalahad ang totoo't tunay kong pagkatao
Isang batang Cebuanong lumipad pa-Maynila
Naging isang sundalong akala mo'y mahina
Madaming nakuhang aral sa'king dating batalyon
Pag-ibig sa ginagawa ko, 'di na matatanggal 'yon
Salamat kay mama, salamat kay papa
Pati na rin sa suporta't kaibigang 'di nawawala
Kung wala kayong lahat, ito'y hindi magagawa
At kay Ama salamat sa biyaya mong dala
Alam ko na ang lahat ng 'to ay pansamantala
Mawawala rin ang lahat, pag-ibig mo matitira
Mulat na sa katotohanan, wala nang alinlangan
Minsan ay sarili lang pala ang tangi kong kalaban
Boses sa aking isipan na pinagpipilitan
Akong isipin na wala akong patutunayan
Pero sa katunayan ba't makikipagsabayan
Kung may sarili naman ako na dinadaanan
Malawak at marami pa ang kaya kong gawin
At sa tamang panahon ay mararating ko din
[Chorus]
Ano mang bundok
Ay handa kong akyatin
Tuktok lang ay marating
Hindi ako titigil
Ga'no man kalayo
Handa kong dumayo
At kahit na matalo
Hindi ako susuko

[Chorus]
Ano mang bundok
Ay handa kong akyatin
Tuktok lang ay marating
Hindi ako titigil
Ga'no man kalayo
Handa 'kong dumayo
At kahit na matalo
Hindi ako susuko

Bisdak ni bai, 'di basta-basta mu-surrender!

[Chorus]
Ano mang bundok
Ay handa kong akyatin
Tuktok lang ay marating
Hindi ako titigil
Ga'no man kalayo
Handa 'kong dumayo
At kahit na matalo
Hindi ako susuko
[Chorus]
Ano mang bundok
Ay handa kong akyatin
Tuktok lang ay marating
Hindi ako titigil
Ga'no man kalayo
Handa 'kong dumayo
At kahit na matalo
Hindi ako susuko
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net