Sugat lyrics

by

Munimuni


[Verse 1: Toni Muñoz]
Kung ayaw mong balikan
Ang iyong mga nakaraan
Paano ka lalayo?
Paano ka tutungo
Sa paglaya ng ‘yong puso

[Verse 2: Toni Muñoz & Poch Barretto]
Kung ayaw mong pakawalan
Ang galit na nasimulan
Paano ka tatayo?
Pa’nong ang bigat maglalaho
May paglaya sa pagsuko

[Chorus: Munimuni]
Pahilumin, mga sugat
'Di ikaw ang iyong nakaraan
Pahilumin, mga sugat
Malayo pa ang iyong patutunguhan

[Verse 3: Toni Muñoz]
Kung ayaw mong simulang
Patawarin ang nakaraan
Paano ka lalayo? Paano ka tatayo?
Ang paglaya’y naghihintay sa’yo
[Interlude]

[Chorus: Ben&Ben & Munimuni]
Pahilumin, mga sugat
'Di ikaw ang iyong nakaraan
Pahilumin, mga sugat
Malayo pa ang iyong patutunguhan
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net