Abra (PHL)

"Pusong Dragon"

Oh mahal na prinsesa ako ay nagbighani
Nabihag ang puso ko sa ganda mong bukod tangi
Ambon sa bahaghari
Ulan ng bulalakaw sa langit
Hangin sa akin nag aapoy na damdamin
Kamahalan, Paraluman ng kaharian sa ulap
Papaano Mapapalapit sayo tong taga lupa
Suntok sa buwan totoo yan
Gayun pa man gusto ko lang
Umaraw man o umulan
Ikaw ay mapayongan

Oh mahal na prinsesa ako'y nahuhumali
Hindi ko akalain ika'y natutuwa rin
Sarap mong kasama at ang saya mong kausapin
Kaya yung "Kahit hindi makatunog nagtutugma rin"
Para sakin, ikaw lang para sakin
Danaw sa abot tanaw para sa uhaw na matanglawin
Ang mata mo ang mga mata mo papangarapin
Hahanap-hanapin hangga't matupad ang pangitain

Binibini wag kang mag-alala
Takas tayo sa lanay
Tagong tago sa matamlay
Maglalakbay hanggang magka-akbay
Mga darili magkayakap habang magkahawak
Ang ating mga kamay
Magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon
Hanggang mag bukang liway-way

Oh mahal na prinsesa dragon ang yong naakit
Nahalina sa pag-awit, mo na merong magik
Kaalama'y karagatan sarap sumisid ng malalim
Abutin ang mga bituin sakay ng lumilipad na carpet
Tayo na sa iba't ibayo ng munting planeta
O byahe pabalik ng panahon sa makinang na kalesa
Katayuan ko sumpa gipit kasi gipit sa oras
Nagdurugo ang puso kong pilipit sa tinik ng rosas

Oh mahal na prinsesa pano ba yan?
Napaamo mo ang bakunawa
Magpakatao nalang
Alang-alang sa pag-ibig
Di mo ba ramdam
Ang nadarama ngayong gabi simoy palang yan
Na kinukulayan ang mundo ko at galaxia
Sayang ang pagkakataon kung noon ko lang nakita
Eh di sana matagal ng abot langit yong ngiti ko
Lakas ng tama ko sayo laging positibo

Binibini wag kang mag-alala
Takas tayo sa lanay
Tagong tago sa matamlay
Maglalakbay hanggang magka-akbay
Mga darili magkayakap habang magkahawak
Ang ating mga kamay
Magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon
Hanggang magbukang liway-way

Oh mahal na prinsesa sayo ako napain
Na dagit talas ng isip mo ang kalawit
Walang takas sa kagandahan
Walang kawangis, walang labis
Walang kulang, sadyang walang kaparis
Sa ganda mo sinta lubos akong namamangha
Pangako ko sa ilog mo lang ako mamamangka
Siguro nga di ko alam ang yong tunay na halaga
Pero lam kong mahal kita at yun ang mahalaga

Oh mahal na prinsesa meron akong surpresa
Balot na sa gabundok na alikabog anong probema
Sa dami mong misyon sa buhay nakukunsensya
Kung sa tingin mo di ko kinaluugod ang yong presensya
Pasensya kana at paumahin kahit di ka mapasakin
Ako ay sayo parin
Ano man ang dumating kahit di mo ko piliin
Di ka pipilitin dahil ibig lang kitang ibig kaya

Binibini wag kang mag-alala
Takas tayo sa lanay
Tagong tago sa matamlay
Maglalakbay hanggang magka-akbay
Mga darili magkayakap habang magkahawak
Ang ating mga kamay
Magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon
Hanggang mag bukang liway-way

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2018 Bee Lyrics.Net