D.K.R. lyrics

by

Quest [PH] x Juan Miguel Severo


(Juan Miguel Severo)
Ito'y para sa naghihintay
Ito'y para sa naglalakbay
Ito'y para sa naliligaw
Ito'y para sa naiinip
Ang liham na ito ay para sa'yo
Buksan mo

(Quest)
Sa bawat araw, oras-oras
Hanapin ang iyong pagkakataon
Sa bawat linya ng bawat kuwento
Sumasalamin ng bawat panahon
Sugat at duda, daloy ng luha
Sundan ang puso mong nagtatanong
Nasa kasalukuyan ang kasagutan
Bumangon ka sa pagkakabaon

Wag matakot lakbayin
Ang liwanag at dilim
Sa panig mo'ng mga bituin
Kaya't mararating mo rin
Pangarap, tagumpay
Pag-ibig ang gabay
Kaya alam kong darating
Darating ka rin
(Darating, darating, darating ka rin)
Darating ka rin
(Darating, darating, darating ka rin)

(Juan Miguel Severo)
Ilang sandali lang
Mahahanap ang hantungan
Mapupuspos kang husto
Mapupuno ng kuwento
Mag-aalay ng pag-ibig
Maaalayan ng pag-ibig
Matutulog ng mahimbing
Gigising ng maligaya
Mapagod ma'y masaya
Nandito ang puso
Na hanap ang layunin
Nakilala ang galing
Yakapin mo't ibigin
Ang bawat sandali
Pagkaligaw mo'y ginto
Humulma ng alahas
Tawagin mo'ng bukas
Ipunin ang lakas
Matagal kang naghintay
Matagal kang naglaboy
Naghanda siya sa'yo
Maghanda sa kanya
Iwaksi ang pangamba
Darating ka na
(Quest)
Wag matakot lakbayin
Ang liwanag at dilim
Sa panig mo'ng mga bituin
Kaya't mararating mo rin
Pangarap, tagumpay
Pag-ibig ang gabay
Kaya alam kong darating
Darating ka rin, ohhh
Darating ka rin, ehh

Nagpasa man ng mga tuhod mo sa panalangin
Napaos man ang tinig mo sa pagbulong sa hangin
Namungay man ang mga mata

Wag matakot lakbayin
Ang liwanag at dilim
Sa panig mo'ng mga bituin
Kaya't mararating mo rin
Pangarap, tagumpay
Pag-ibig ang gabay
Kaya alam kong darating
Darating ka rin
Darating ka rin
Darating ka rin, ohh
Darating ka rin, ehh
Darating, darating
Darating ka rin
Darating, darating
Darating ka rin
Darating, darating
Darating ka rin
Darating, darating
Darating ka rin

Ohhh..
Darating ka rin
(Darating ka rin)

Darating, darating
Darating ka rin
Darating, darating
Darating ka rin
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net