Nicanor Abelardo

"Magbalik ka Hirang"

Nararamdaman kong muling nagbabalik
Sa aking gunita ang iyong pag-ibig
Ngunit kung hanapin ko ang datihang tamis
Kahit sa pangarap ay di na masilip

Nararamdaman kong sa aking gunita
Ay muling bumabalik ang araw ng tuwa
Ngunit kung hanapin ko ang suyo’t kalinga
Ay tila aninong dagling nawawala
Magbalik ka sana, magbalik ka, hirang
Dati kong pag-asa’y di pa namamatay
At sa pagbalik mo ay iyong daratnang
Puso mo’t pag-ibig ang nalalarawan

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2018 Bee Lyrics.Net