Madaling Araw lyrics

by

Francisco Santiago


[Verse 1]
Irog ko'y dinggin ang tibok ng puso
Sana'y damdamin, hirap nang sumuyo
Manong, itunghay ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw ng buhay kong papanaw

[Verse 2]
Sa gitna ng karimlan, magmadaling araw ka
At ako ay lawitan ng habag at pagsinta
Kung ako'y mamamatay sa lungkot nyaring buhay
Lumapit ka lang, lumapit ka lang at mabubuhay

[Verse 3]
At kung magkagayon mutya, mapalad na ang buhay ko
Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo
Madaling araw na sinta, liwanag ko't tanglaw
Halina irog ko at mahalin mo ako

[Verse 4]
Mutya'y mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa ganda mo
Madaling araw na sinta, liwanag ko't tanglaw
Halina irog ko at mahalin mo ako

[Outro]
Manungaw ka liyag, ilaw ko't pangarap
At madaling araw na
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net