Dati lyrics

by

Quest (PHL)


[Verse 1: Sam Concepcion, Tippy Dos Santos]
Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon, nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

[Pre-Chorus: Sam Concepcion & Tippy Dos Santos, Tippy Dos Santos]
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (Hanggang ngayon)

[Chorus: Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Both]
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin (Ngunit 'di ang pagtingin)
Na gaya pa rin ng da-ra-rat-da-dati
Da-ra-rat-da-dati, da-ra-rat-da-dati
Na gaya pa rin ng

[Verse 2: Sam Concepcion, Tippy Dos Santos]
Dati-rati ay palaging sabay na mag siesta
At sabay rin gigising ng alas kwatro y medya
Oh, sabay manonood ng paboritong programa
Oh, kay tamis naman mabalikan ang alaala
[Chorus: Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Both]
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin (Ngunit 'di ang pagtingin)
Na gaya pa rin ng

[Verse 3: Quest]
Yeah, dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan
Pero 'singtamis ng kendi 'pag nagkakasal-kasalan
'Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina?
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at

[Bridge: Tippy Dos Santos, Quest, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos & Sam Concepcion]
Parang Julio't Julia, lagi tayong magkasama ('Di mapaghiwalay)
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah (Hindi pwede 'yan)
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga ('Yan ang pag-ibig)
Sana mabalik pa dati nating pagsasama, ah-ah

[Chorus: Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Sam Concepcion & Tippy Dos Santos, Quest]
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin, oh, ibulong na lang sa hangin (Ibulong na lang)
Pangarap na lang din (Pangarap na lang din)
Na gaya pa rin (Na gaya ng)
Ng da-ra-rat-da-dati (Gaya pa rin ng dati)
Da-ra-rat-da-dati, da-ra-rat-da-dati (Dati, yeah)
Na gaya pa rin ng (Yeah-hey)
Da-ra-rat-da-dati, da-ra-rat-da-dati (Oh-oh)
Da-ra-rat-da-dati
Na gaya pa rin ng (Oh-oh-oh)
Ng dati
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net