Sige Lang lyrics

by

Quest (PHL)


[Intro]
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh

[Verse 1]
'Eto na naman tayo bagong simula
Huminga nang malalim, alisin ang kaba
Tapos na ang kahapon, pwede na 'yan itapon
'Wag lang ang mga aral, dapat 'yan ay ibaon
Katulong mo sa panibagong hamon
May paparating na bagong alon
Pwede kang lamunin o pwede mong sabayan
'Yung aral ng kahapon, pwede ka niyang gabayan
Kung ako sa'yo, tumayo ka na d'yan
'Wag ka nang magpahuli, kami ay sundan
Patungo sa liwanag, abutin ang tala
Pagkatapos pakita sa mundo pusong nagbabaga
Upang lahat ay mamulat sa'king susulat
Parinig sa lahat ang aking ulat
'Wag mabahala, ako ang bahala
Kasangga natin si Bathala

[Chorus]
Walang imposible, sige lang, sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo, sama-sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok, 'di susuko
Alam kong kaya mo
Sige lang, sige, sige lang, sige
Walang imposible
[Post-Chorus]
Oh-oh-oh, oh-oh-oh (Oh, yeah)
Oh-oh-oh, oh-oh-oh

[Verse 2]
Nagniningning ang pangarap ng 'yong pusong
Humihiling na kalimutan ang kahapon
Sana'y dinggin, sigaw ng aking puso
Hindi susuko, hindi susuko
Ilabas ang 'yong pangarap, 'wag mo 'yang itatago
Samahan mo ng sipag at tatag ng puso
Tumayo ka sa'yong silya, ikaw ngayon ang bida
Wala nang pipigil pa, 'eto na, 'eto na

[Chorus]
Walang imposible, sige lang, sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo, sama-sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok, 'di susuko
Alam kong kaya mo
Sige lang, sige, sige lang, sige
Walang imposible (Walang imposible)
Walang imposible, yeah, oh (Sige lang, sige lang)

[Bridge]
Hangga't ako'y humihinga, sugod lang laban pa
Pangarap abutin, kumislap tulad ng mga bituin
Sige lang, 'di ka nag-iisa, sige lang, sige pa
[Chorus]
Walang imposible, sige lang, sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo, sama-sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok, 'di susuko
Alam kong kaya mo
Sige lang, sige, sige lang, sige (Sige lang, sige lang, yeah)

[Chorus]
Walang imposible, sige lang, sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo, sama-sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok, 'di susuko
Alam kong kaya mo
Sige lang, sige, sige lang, sige
Walang imposible

[Post-Chorus]
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net