Saludo lyrics

by

Quest (PHL)


[Verse 1]
Ito ang alay ko, ito ang istorya mo
Alamat na kailangan makilala ng buong mundo
Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang
Pasasalamat at ika'y isinilang
'Di pangkaraniwan para siyang superhero
Hinarap lahat ng pagsubok 'yung iba hindi biro
Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak
Mga buhay na nakasalalay sa kaniyang pangarap
Parang pelikula, action, adventure, drama
May konting comedy, love story na pang-masa
Galing sa wala, akala mo talo na tapos
'Yun pala siya 'yung bida kaya lahat sila paos
Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon
Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon
Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (Hoy!)
Ito ang araw mo, bayaning Pinoy

[Chorus]
Saludo, sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay, dito sa liga ng buhay
Saludo, mga kampeon, mga dakilang
Hindi sumuko, 'di nagpaalila
Saludo, sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo, kami sa inyo ay saludo, saludo
[Verse 2]
Walang balak sumuko, walang planong gumuho
Tagumpay lang, walang iba, binigay niya buong puso
Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso
Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso
Ang buhay positibo, agresibo mismo
Kaya pinarangalan siyang Bayaning Pilipino
Taas noo kahit pango, 'di na bigo, 'di nalito
'Di huminto, inabot niya ang ginto
Ngayon tahimik na lahat ng kritiko
Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo
Hanggang nag-trending, ang daming likes, 'di na makalimutan
Front page, headlines, hanggang sa kanto laman ng kwentuhan
Pag-asa'y pinagsaluhan, pero 'di naubusan
Binigay ng lubusan, hanggang sa huling hantungan
Buhay na buhay, walang humpay, tagumpay

[Chorus]
Saludo, sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay, dito sa liga ng buhay
Saludo, mga kampeon, mga dakilang
Hindi sumuko, 'di nagpaalila
Saludo, sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo, kami sa inyo ay saludo, saludo
[Bridge]
Sabi daw walang pag-asa pero tinapos
Sabi daw imposible pero 'di pa rin natakot
Sabi nila mahirap pero nagpursige
Kaya lahat sila ngayon, sige lang, sige
Nung lahat umurong, siya sumugod
Nung lahat lumubog, siya 'di nalunod
Natutong maglakad sa tubig pananampalataya
Diyos ang kaniyang agimat kaya walang hindi kaya

[Chorus 2]
Saludo, paglaki ko gusto ko maging katulad mo, yeah
Saludo, maipagmamalaki sa buong mundo (Buong mundo)
Saludo, ikaw ang dahilan kung ba't hindi ako susuko
Saludo, taos pusong pasasalamat, isa kang alamat

[Outro]
Saludo, sa mga bida na tunay
Na nagpakita ng husay, dito sa liga ng buhay
Saludo, mga kampeon, mga dakilang
Hindi sumuko, 'di nagpaalila
Saludo, sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo, kami sa inyo ay saludo, saludo
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net