Kalawakan lyrics

by

Quest (PHL)


[Verse 1: Quest]
Minsan lang mangyayari sa buhay
Mahanap mo 'yung pag-ibig na tunay
Gagawin ang lahat, magiging tapat
Pag-iigihan mo para walang katapat
Pipilitin, walang kulang, 'sandaang porsyento
Nagawa mo na'ng lahat, hindi pa rin kuntento
Noon pa-easy-easy, parang laro lang
Ngayon ayaw pagtalo, ayaw na magpagulang

[Refrain: Both, Quest]
Unang sulyap ng puso, sapul ka
Naging maamo 'yung puso dating barumbado
Nabighani, nawindang, nagmukhang baguhan
Ngiting abot hanggang likuran
Nagbago na ang lahat, dumating na ang 'yong katapat
Ito ang higit pa sa sapat, pag-ibig na alamat

[Chorus: Both]
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman, ikaw at ako, itaga sa bato
Pag-ibig na tunay, ipaalam sa mundo
Hangga't tumitibok ang puso, kahit malampasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban
Pag-ibig na kasing-lawak ng kalawakan
[Post-Chorus: Both]
Woah-oh, woah-oh
Patuloy kong ipaglalaban
Pag-ibig na kasing-lawak ng kalawakan
Woah-oh, woah-oh
Patuloy kong ipaglalaban
Pag-ibig na kasing-lawak ng kalawakan

[Verse 2: Aicelle Santos]
Kakayanin ko, walang hindi pwedeng
Nasagot nga ang dalangin ko
Na ikaw ay mapa-ibig, 'di ba akalain mo?
Kaya gawin nating libre, lahat ng hangarin mo
Ako'ng bahala sa'yo, sa'n mo gustong pumunta?
Anong gusto mong makita?
Lahat gagawin para lang mapakita
Na wala nang mas hihigit pa
Saan ka pa titingin, ha?
Lalampasan, aabutin ang 'yung pinaka—, aking dadaigin
Pag-ibig na kay ganda, lahat napapangiti
Pagkatapos sa langit mapapatingin

[Chorus: Both]
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman, ikaw at ako, itaga sa bato
Pag-ibig na tunay, ipaalam sa mundo
Hangga't tumitibok ang puso, kahit malampasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban
Pag-ibig na kasing-lawak ng kalawakan
[Bridge: Aicelle Santos]
Dama ko sa'yo ang langit
Ikaw ang dahilan kung bakit
Patuloy ang pag-awit ng puso kong ito
Wala nang ibang hahanapin
Ngayon, ikaw na ay akin
At ako naman ay habang buhay sa'yo

[Refrain: Quest, Both]
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan, ipaglaban mo 'yan
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Hawakan nang mabuti, habang buhay na 'yan
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan, ipaglaban mo 'yan
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Hawakan nang mabuti, habang buhay na 'yan

[Chorus: Both]
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman, ikaw at ako, itaga sa bato
Pag-ibig na tunay, ipaalam sa mundo
Hangga't tumitibok ang puso, kahit malampasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban
Pag-ibig na kasing-lawak ng kalawakan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman, ikaw at ako, itaga sa bato
Pag-ibig na tunay, ipaalam sa mundo
Hangga't tumitibok ang puso, kahit malampasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban
Pag-ibig na kasing-lawak ng kalawakan
[Outro: Quest, Both]
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan, ipaglaban mo 'yan
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Hawakan nang mabuti, habang buhay na 'yan
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan, ipaglaban mo 'yan
Kapag nahanap mo 'yan, 'wag mong pakakawalan
Pag-ibig na kasing-lawak ng kalawakan
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net