Di Ko Akalain lyrics

by

Quest (PHL)


[Verse 1: Rita Daniela, Quest]
Akalain mo nga naman, ako'y napagbigyan
Dasal napakinggan ('Di makapaniwala)
Mukhang 'di na 'to biruan, sawa na 'kong mapaglaruan
Langit, tadhana nagtulungan (Wala nang alinlangan)

[Pre-Chorus: Rita Daniela, Both]
Pagkatapos ng delubyo, sagabal at bagyo
Nandito pa rin ako, nandito pa rin tayo
Pwede na bang magdiwang?
Ikaw na ba ang hinirang
Para sa'king habang buhay

[Chorus: Both]
'Di ko akalain
Pag-ibig ay panig sa atin
Narinig pala aking dalangin
Tadhana'y umamin na ika'y sa'kin
At ako'y sa'yo

[Post-Chorus: Both, Quest, Rita Daniela]
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sayo, ako'y sa'yo) Ako'y sa'yo
[Verse 2: Quest, Both]
Swerte o tsamba o tinadhana
O talagang itinakda nang ika'y aking makasama?
Sige, patunugin na ang kampana
Oops, teka muna, kurutin mo nga ako
Tunay na ba ang pinapangarap ko?
Sumuntok sa buwan, nakiusap sa tala
Mukhang langit nagambala
Akala ko bahala na si Batman
Pero sapul pala parang suntok ni Pacman
Sumagot pasigaw, puso humihiyaw
Ipaalam sa mundo, ikaw lang at ikaw
Ako'y handa na, kahit mangha-mangha pa
Wala nang bakit, siguro at baka
Habang buhay, ngayon ang patunay
'Wag mag-alala langit ang ating patnubay

[Chorus: Both]
'Di ko akalain
Pag-ibig ay panig sa atin
Narinig pala aking dalangin
Tadhana'y umamin na ika'y sa'kin
At ako'y sa'yo

[Post-Chorus: Both, Quest, Rita Daniela]
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sayo, ako'y sa'yo) Ako'y sa'yo
[Bridge: Quest, Rita Daniela, Both]
Sumugal, nadapa, nasaktan, nawala
Humingi ng himala, sa langit nakatingala
Pinilit kumawala, nand'yan ka lang pala
'Eto pala talaga, wala nang iba
Sumugal, nadapa, nasaktan, nawala
Humingi ng himala, sa langit nakatingala
Pinilit kumawala, nand'yan ka lang pala
'Eto pala talaga, wala nang iba

[Chorus: Both, Rita Daniela, Quest]
'Di ko akalain (Oh-ohh)
Pag-ibig ay panig sa atin (Sa atin)
Narinig pala aking dalangin (Narinig pala, narinig pala)
Tadhana'y umamin na ika'y sa'kin (Ika'y sa'kin)
At ako'y sa'yo (Yeah)

[Post-Chorus: Both, Quest, Rita Daniela]
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sa'yo, ako'y sa'yo) Ika'y sa'kin, at
(Ako'y sayo, ako'y sa'yo) Ako'y sa'yo, ohh
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net