Digmaan lyrics

by

Quest (PHL)


[Chorus: Julianne Tarroja]
Ito ang digmaang 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay

[Verse 1: Quest]
Para sa mga sugatan, para sa mga luhaan
Sa mga hindi kuntento, may mapait na kwento
Sa 'di alam ang daan, nawawala na naman
'Wag kang mawalan ng pag-asa
Hindi kita lulubayan, ika'y umasang
Ako'y palaging nand'yan
Kung ang akala mo ay nag-iisa ka
Nagkakamali ka, sasamahan kita
Alay ko ang aking buhay, magsisilbing patnubay
'Di ako naniniwalang sablay ka habang buhay
Halika rito, 'wag makinig kung kani-kanino
Harapin ang liwanag, talikuran ang anino

[Chorus: Julianne Tarroja]
Ito ang digmaang 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
[Verse 2: Quest]
Kapit, 'wag bibitaw, hindi ka na maliligaw
Kapag ang kahapon lumilitaw
Pwede kang sumigaw (Ahh)
Buntong hininga, handa ka na ba?
Tatandaan ang katapusan ay panibagong simula (Sige lang!)
'Yung dating talunan, ngayon ay isang kampeon
Saling pusa noon, ngayon ay mabangis na leon
Nasa unahan na ngayon, dating nasa huli palagi
Nagsimula sa wala pero ngayon labis mamahagi
Iniwanan sa putikan, ngayon ay tinitingala
Tinawag na sumpa, 'yun pala siya'y isang himala
'Yan ang storya mo, pangako ko
'Wag ka lang mawawalan ng pag-asa
Tandaan ako'y palaging nand'yan

[Chorus: Julianne Tarroja, Both]
Ito ang digmaang 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
[Bridge: Julianne Tarroja, Quest, Both]
Hindi kita iiwan, oh-ohh, hindi kita iiwan
Hindi kita iiwan, oh-ohh, hindi kita iiwan (Oh-ohh)
Hindi kita iiwan, oh-ohh, hindi kita iiwan, ohh
Hindi kita iiwan, hindi pababayaan
Hindi kita iiwan, hindi pababayaan (Oh-ohh, ohh)
Ikaw ang aking tagumpay

[Outro: Julianne Tarroja, Quest, Both]
Tu-ru-ru-ru-ru, tu-ru-ru, du-ru-ru-ru, ru-ru-ru-ru
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net