Bagong Yugto (Pasko 2021) lyrics

by

Quest (PHL)


[Verse 1]
Humingang malalim, sa wakas ay patapos na ang taon
Tumingala sa langit, pasasalamat sa bagong pagkakataon
Namnamin ang hangin, biyayang madalas 'di napapansin
Isang panalangin, paghandaan ang bukas na paparating

[Refrain]
Pagkakataong muli, pwede ba nating isantabi?
Takot at pighati, patapos na ang gabi
Sige, subukang ngumiti, maging liwanag sa dilim
Ng kapayapaan at ligaya ang magniningning

[Chorus]
Pag-asa ang dahilan, pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan, lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan, pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto
Simulan na natin ngayong Pasko, ang bagong yugto
Simulan na natin ngayong Pasko, ohh

[Verse 2]
Madaming yakap at kapit bisig
Tuwa at saya, laman ng tinig
Ibalik natin 'yung dating hilig
Dagdagan pa ng kilig
Salo-salo, walang talo
Lahat panalo, sigurado 'yan
Isang malambing na tingin
Tapos matamis na halik
[Refrain]
Isang tagay, isang saludo, tayo-tayo hanggang sa dulo
Kapit, walang bibitaw, lahat ay bida ako at ikaw (Hoy!)
Ipakita ang kinang ng bukas na inaasam
Pakabusog muna tayo, buong mundo ang kasalo

[Chorus]
Pag-asa ang dahilan, pag-ibig ang paraan
Walang maiiwan, lahat tayo magdiriwang
Pangarap ay balikan, pag-ibig lang ang daan
Kaya sama-samang salubungin ang bagong yugto
Simulan na natin ngayong Pasko, ang bagong yugto
Simulan na natin ngayong Pasko, ohh

[Bridge]
Tuloy-tuloy lang ang paghakbang
Dahil ang bukas ay nakaabang
Ang aral at lunas ay nakalaan
Sa bawat kahapon na lalampasan
Tuloy-tuloy lang ang paghinga
Ito ay isang tanda na may pag-asa pa
Kaya magdiwang ka

[Breakdown]
Pag-asa ang dahilan
Pangarap ay balikan
Pag-ibig lang ang daan
Lahat tayo magdiriwang
[Chorus]
Pag-asa ang dahilan, pag-ibig ang paraan (Pag-ibig lang, pag-ibig lang)
Walang maiiwan, lahat tayo magdiriwang (Walang iwanan, walang iwanan)
Pangarap ay balikan, pag-ibig lang ang daan (Pangarap balikan)
Kaya sama-samang salubungin
Ang bagong yugto (Bagong yugto)
Simulan na natin ngayong Pasko (Ngayong Pasko)
Ang bagong yugto (Bagong yugto)
Simulan na natin ngayong Pasko, ohh (Ngayong Pasko, ohh)
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net