Gloc-9

"Bigo"

Bibig naka busal may piring mga mata
Nakagapos ang kamay nakakadena ang paa
Tuwing nakikiusap ay napakaamo ng mukha
Pag kailangan mo ng tulong ay biglang nawawala

Pwede ba
O pwede ba
Nasan na sila

Higaan ay napaka lambot
Walang dumadapo ni isa mang langaw o lamok
Sobrang daming perang bibilangin di nababagot
Sana lahat nang yan balang araw ay aking maabot

Pwede ba
O pwede ba

Kaso lang akoy alila ng may ari
Araw ang amoy kapos lamang palagi
Alam mo bang akoy kabilang sa marami
Na lumalangoy sa hirap ang tawag sa amin
Maralita sa pinas

Sana po ay mapakinggan nyo
Nang malaman nyo ang syang tunay na kalagayan ko
Naniwala sa lahat ng mga pinangako nyo
Di na alam kung ano ang totoo akoy nalilito

Puwede ba
O puwede ba

Kaso lang akoy tinatapakan ng higante
Ayaw mag apoy kaya upos lamang palagi
Bawat hakbang akoy nag babaka sakali
At lumalangoy sa hirap ang tawag sa amin
Maralita sa Pinas

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2018 Bee Lyrics.Net