Bawat Sandali lyrics
by Richard Reynoso
[Verse 1]
Napasyal lang at nangungumusta
Baka ako'y kailangan pa
Saan ba nagkulang at ikaw ay nagpasya
Na lumayo at sumama sa kanya?
[Pre-Chorus]
Pa'no ako kung wala ka?
Wala nang pag-asang lumigaya pa
[Chorus]
Bawat, bawat sandali
Ikaw sana'ng kapiling
'Wag mo sanang lilimutin
Mahal kita
[Verse 2]
Sa 'kin kaya'y mayro'n pang pagtingin
O sadyang nagbago na?
Nilimot na nga ba ang ating nagdaan?
Ako ba kaya ay naaalala pa?
[Chorus]
Bawat, bawat sandali
Ikaw sana ang kapiling
'Wag mo sanang lilimutin
Mahal kita, giliw
[Bridge]
Habang ako'y nabubuhay
Ang tangi kong panalangin
Ay muli kang maging akin
Mahal kita
[Chorus]
Bawat, bawat sandali
Ikaw sana ang kapiling
'Wag mo sanang lilimutin
Mahal kita