Bakit May Kahapon Pa lyrics
by Nora Aunor
[Verse 1]
'Di na maibabalik kahapong nagdaan
Ba't 'di limutin ang bawat nakaraan
Alaala ng kahapon kung hindi mo tatakasan
Ang bawat ngayon mo'y pasasaan?
[Verse 2]
Ang puso'y nagtatanong ba't may kahapon pa
At tila'y kay sakit, limuti'y pa'no ba
Ngunit kung mananatili ang poot sa iyong dibdib
Bagong umaga'y 'di makakamit
[Chorus]
Ngayon ang panahon upang muli'y magsimula
Kahapon ay ituring na maling sumpa
Oh bakit nga ba may kahapon na sa puso ay tanong
Muli'y magsimula, baguhin ang noon

[Outro]
Muli magsimula, baguhin ang noon