Dulo lyrics

by

VXON


[Verse 1: Vince, Sam]
Lahat tandang-tanda ko pa
No'ng unang nagkita, nabigyan ng pag-asa (Ooh-woah-oh, ooh-woah-oh)
Landas ko 'di pa malaman
Hinawakan ang kamay, ika'y nagsilbing gabay (Ooh-woah-oh, ooh-woah-oh)

[Pre-Chorus: Vince]
Hindi sigurado kung sa'n man patungo
Laging tandaan, walang mag-iiwanan (Ooh-woah-oh-oh)

[Chorus: Franz, Sam]
Humawak, 'wag kang mag-alala
Sumama, 'di ka nag-iisa
Nandito lang hanggang dulo, oh-oh
Ito ang aking pangako, oh-oh
Humawak, 'wag kang mangangamba
Liwanag, ikaw nagdadala
Nandito lang hanggang dulo, oh-oh
Ito ang aking pangako, oh-oh-oh-oh

[Post-Chorus: Franz, C13, Patrick]
Hanggang dulo, woah-oh-oh
Ang aking pangako
Hanggang dulo, woah-oh-oh
Hindi magbabago
[Verse 2: C13, Patrick, All]
Mga alaala natin laging balikan
'Di binitawan ang kamay kahit sa'n pa man
Kinilala no'ng nawawala pa
Buong akala, walang pag-asa
Pasasalamat sa bawat akap
Ngiting dala no'ng ika'y nahanap
Kahit na ang mundo ang lumalaban sa'yo
Hindi bumibitaw gaya ng pinangako mo
Sakali man matupad mga munting pangarap
Panghahawakan nating dalawa
Walang mawawala, 'kaw ang liwanag sa'king mga mata

[Pre-Chorus: Franz & Vince, Vince]
Hindi sigurado kung sa'n man patungo
Laging tandaan walang mag-iiwanan (Ooh-woah-oh-oh)

[Chorus: Franz, Sam]
Humawak, 'wag kang mag-alala
Sumama, 'di ka nag-iisa
Nandito lang hanggang dulo, oh-oh (Nandito ako)
Ito ang aking pangako, oh-oh (Pangako)
Humawak, 'wag kang mangangamba
Liwanag, ikaw nagdadala
Nandito lang hanggang dulo, oh-oh (Nandito ako)
Ito ang aking pangako, oh-oh (Pangako)
[Bridge: Vince, Franz]
Paglipas ng panahon, hiling ko lang sa'yo
'Wag kalimutan kung paano nagkakilala
Lagi mong sinasabi, ibigin ang sarili
Laging magpapasalamat sa'yo
Nandito ako hanggang dulo

[Chorus: Sam, Franz]
Humawak, 'wag kang mag-alala (Woah-oh-oh)
Sumama, 'di ka nag-iisa (Hanggang dulo)
Nandito lang hanggang dulo, oh-oh
Ito ang aking pangako, oh-oh (Humawak sa'king kamay)
Humawak, 'wag kang mangangamba (Ooh-ooh-ooh)
Liwanag, ikaw nagdadala
Nandito lang hanggang dulo (Nandito ako)
Ito ang aking pangako (Pangako)

[Post-Chorus: All, Franz, Sam]
Hanggang dulo, woah-oh-oh (Oh-oh-oh)
Ang aking pangako (Dulo, dulo)
Hanggang dulo, woah-oh-oh
Hindi magbabago
Hanggang dulo, woah-oh-oh (Hanggang dulo)
Ang aking pangako
Hanggang dulo, woah-oh-oh (Oh-oh-oh)
Hindi magbabago
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net