Kalaw lyrics

by

VXON


[Verse 1: Franz, Vince]
Bigla kang nagpaalam sa dating tagpuan
Tinapos mo na agad, do'n sa kalaw kung saan nagsimula ang lahat
Humadlang ba ang tadhana?
O kaya naman may nagawa?
Ano bang dahilan?
Sagutin mo sana baka meron pang paraan

[Pre-Chorus: Sam, Franz]
Sabay nating hiniling
Sa mga bituwin na tayo pa rin
Hanggang sa huli
Ikaw ang pipiliin at ako ang 'yong iibigin

[Chorus: Sam, Franz]
Wala na ba tayong pag-asa?
Kaya ba natin ipilit pa?
Susukuan lang ba ang ating tadhana?
Matutupad pa nga ba mga pinangarap?
Wala na ba tayong pag-asa?
Pwede ba nating subukan pa?
Gagawin lahat ng aking makakaya
Mapilit lang na tayo'y muling magkasama

[Refrain: Franz]
Ikaw at ako sa kalawakan
Ikaw at ako sa kalawakan
Ikaw at ako sa kalawakan
Ikaw at ako sa kalaw
[Verse 2: Vince, Patrick]
Tanda ba mga araw?
Sunduan sa may kalaw
Laging inaabangan
Nangingiti kapag ika'y natatanaw

[Verse 3: Sam, Patrick, C13]
Pagsakay pa lang ng kotse, amoy na ang pabango
At ikukwento ng detalye kung kamusta araw mo
Habang hinahaplos 'yong hita ng aking kanang kamay
Hinding-hindi masasanay na wala ka na sa'king buhay
Inaamin ko meron din akong kasalanan
Minsan isip-batang 'di iniisip ang nararadaman mo
Na dapat iningatan ko kahit alaala na lang
Ramdam ko pa rin ang nawawalang presensya mo

[Pre-Chorus: Sam, Franz]
Sabay nating hiniling
Sa mga bituwin na tayo pa rin
Hanggang sa huli
Ikaw ang pipiliin at ako ang 'yong iibigin

[Chorus: Sam, Franz]
Wala na ba tayong pag-asa?
Kaya ba natin ipilit pa?
Susukuan lang ba ang ating tadhana?
Matutupad pa nga ba mga pinangarap?
Wala na ba tayong pag-asa?
Pwede ba nating subukan pa?
Gagawin lahat ng aking makakaya
Mapilit lang na tayo'y muling magkasama
Wala na ba tayong pag-asa?
Kaya ba natin ipilit pa?
Susukuan lang ba ang ating tadhana?
Matutupad pa nga ba mga pinangarap?
Wala na ba tayong pag-asa?
Pwede ba nating subukan pa?
Gagawin lahat ng aking makakaya
Mapilit lang na tayo'y muling magkasama
[Coda: All]
Ikaw at ako sa kalawakan
Ikaw at ako sa kalawakan
Ikaw at ako sa kalawakan
Ikaw at ako sa kalaw
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net