​hindi sapat ang salita lyrics

by

Ian Quiruz


[Verse 1: Ian]
Kailan mo huling naranasan ang
Paruparong lulan ng 'yong sikmura?
Kailan pa matututuhan na
Walang may sala sa gawa ng kapalaran?

[Pre-Chorus 1: Ian]
Kahit pa mahirapan
Kailangan mong tapangan

[Chorus: Ian, Ian with unikko ijo]
Tahan na, malalim na ang luha nating dalawa
Hindi sapat ang sali–
Tama na, baka hindi ngayon
Malay mo, bukas ay umayon din ang panahon

[Verse 2: unikko ijo]
Hindi ko lubos akalain na
Kita'y hindi na makuhang masilayan
Ano't binabagabag pa nang paulit-ulit
Ang damdamin at isipan?

[Pre-Chorus 2: unikko ijo]
Walang maiiwanan
Tayong dal'wa'y lilisan
[Chorus: Ian with unikko ijo, Ian]
Tahan na, malalim na ang luha nating dalawa
Hindi sapat ang sali–
Tama na, baka hindi ngayon
Malay mo, bukas ay umayon din ang panahon
Hindi sapat ang sali–
Tama na, baka hindi ngayon
Malay mo, bukas ay umayon din

[Instrumental Break]

[Outro: Ian]
Malay mo, bukas ay umayon din ang panahon
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net