Hahanapin Ko lyrics

by

Jose Mari Chan


Hahanapin ko ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko
Ang halakhak mo kahit na kung saang dako

Hahanapin ko umaga, tanghali, gabi
Dahil hindi kita lilimutin
Kahit na sandali

Hahanapin ko ang sikat ng araw mo
Pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko
Dagat mo at buwan, ang tag-araw at tag-ulan

Hahanapin sa timog, hilaga't kanluran
Hahanapin ko sa pangingibang bayan

At sa aking paglayo
Dadalhin sa aking paglipad
Babaunin, init ng iyong araw
Sinag, ilaw at luningning

Sa aking paglayo, dadalhin ang lahat
At nang di na hanap-hanap ka pa
Kung iiwan kita, hanap din lang t'wina
Aanhin pa ang maglakbay di ba, oh

Hahanapin ko ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko
Ang halakhak mo kahit na kung saang dako

Hahanapin ko t'wina at kung di makita
Aanhin ko pa ang gawang iwanan ka
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net