Ano Ang Babaguhin Ko Sa Bagong Taon? lyrics

by

Siakol


[Verse 1]
Ano ang babaguhin ko sa Bagong Taon?
Eh bumabalik din naman paglipas ng panahon
Ano ang kahilingan ko sa papalit na taon?
Eh hindi naman natutupad, lagi na lang gano'n

[Chorus 1]
Tama na sakin ang gan'to
Akin na lang iingatan 'to
Kung ano ang nariyan
Kung ano lang ang meron ako

[Verse 2]
Ano ang babaguhin mo eh diyan kita minahal?
Mula nang makilala ka wala 'kong inangal
Ano ang kahilingan mo, pwede bang malaman?
Mula nang mahalin kita laging gano'n naman

[Chorus 2]
Tama na sa'tin ang ganyan
Atin na lang pahalagahan
Kung ano ako sa'yo
Kung ano ka sa'kin 'yon na lang

[Guitar Solo]
[Verse 3]
Ano ang babaguhin ko sa Bagong Taon?
Eh bumabalik din naman paglipas ng panahon
Ano ang kahilingan ko sa papalit na taon?
Eh hindi naman natutupad, lagi na lang ganon

[Chorus 3]
Tama na sa'kin ang gan'to
Akin na lang iingatan 'to
Kung ano ang nariyan
Kung ano lang ang meron ako
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net