Bagong Taon Na Naman lyrics

by

Siakol


[Verse 1]
Ilang taon na rin kitang 'di nakikita
Saan ka ba talaga nagpunta?
Lagi na lang kitang pinagdarasal
Maghihintay ba 'ko ng matagal?

[Verse 2]
Hanggang kailan ako magtitiis?
Ilang Noche Buena na ang napanis
At kung may darating sana'y ikaw
Uwian mo na rin tuloy ako ng siopao

[Chorus]
Kung may hirap, may ginhawa
Kung may pagdurusa, may ligaya
Kung may kahapon, may bukas din
Kung may naghihintay, may darating

[Interlude]
(He-he-he-he-he-he-hey)
(He-he-he-he-he-hey)
(He-he-he-he-he-he-hey)
(He-he-he-he-he-hey)

[Verse 3]
Ilang taon na rin kitang 'di naririnig
Nasaang lupalo ka ba ng daigdig?
Hindi naman ikaw ang ninang ko
Bakit kailangang pagtaguan mo?
[Verse 4]
Ilang Christmas na rin ang lumipas
'Di ka sumipot parang si Santa Klaws
Nalimutan ko na ang pangalan mo
Kabisado ko na ang lahat ng Pamasko

[Chorus]
Kung may hirap, may ginhawa
Kung may pagdurusa, may ligaya
Kung may kahapon, may bukas din
Kung may naghihintay, may darating

[Interlude]
(He-he-he-he-he-he-hey)
(He-he-he-he-he-hey)
(He-he-he-he-he-he-hey)
(He-he-he-he-he-hey)

[Guitar Solo]

[Verse 5]
Bagong taon na naman wala ka pa
(He-he-he-he-he-he-hey)
Nagagawa ko pa rin ang tumawa
(He-he-he-he-he-hey)
Ako ba ay naging isang hangal?
(He-he-he-he-he-he-hey)
Siguro ay 'di mo na ako mahal
[Outro]
Siguro ay 'di mo na ako mahal
Siguro ay 'di mo na ako mahal
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net