Crux Fidelis lyrics

by

Fr. Joselito Jopson



[Chorus]
Krus na dakila, binhi at bunga
Bulaklak na nagliligtas
Kahoy at pako at Kanyang bigat
Ligaya na'ting inaasam

[Verse 1]
Umawit ang dilang puno ng dangal
Kaligtasan ay narito na
Sapagka't sa krus ay nakabalubal
Kamatayang nagbibigay-buhay

[Chorus]
Krus na dakila, binhi at bunga
Bulaklak na nagliligtas (Nagliligtas)
Kahoy at pako at Kanyang bigat
Ligaya na'ting inaasam

[Verse 2]
Naawa ang Diyos sa ating nasadlak
Sa mundo ng kasawian
Ngunit sa puno ng kaligtasan
Kamatayan, tayo'y lalaya

[Chorus]
Krus na dakila, binhi at bunga
Bulaklak na nagliligtas (Nagliligtas)
Kahoy at pako at Kanyang bigat
Ligaya na'ting inaasam
[Verse 3]
Narito na ang ating katubusan
Sinugo ang Kanyang Anak
Sa sinapupunan ng Birheng Mahal
Panginoo'y nagkatawang-tunay

[Chorus]
Krus na dakila, binhi at bunga
Bulaklak na nagliligtas (Nagliligtas)
Kahoy at pako at Kanyang bigat
Ligaya na'ting inaasam

[Verse 4]
Iniwan ni Kristo ang kabataan
Hinarap ang pagdurusa
Katulad ng isang maamong tupa
Buong buhay Niya'y inialay

[Chorus]
Krus na dakila, binhi at bunga
Bulaklak na nagliligtas (Nagliligtas)
Kahoy at pako at Kanyang bigat
Ligaya na'ting inaasam

[Verse 5]
Masdan nin'yo ang Krus na Banal
Si Hesus, nakabayubay
Dugo at tubig, dumadaloy na
Nang maghilom ang bawat sugat
[Chorus]
Krus na dakila, binhi at bunga
Bulaklak na nagliligtas (Nagliligtas)
Kahoy at pako at Kanyang bigat
Ligaya na'ting inaasam

[Outro]
Krus na dakila, ooh
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net