Itak Ni Andres lyrics

by

Zia Quizon


Naputulan ng paa pero 'di sya tumakbo
Naputulan ng kamay pero 'di sya tumakbo
Naputulan ng kuko pero 'di sya tumakbo
Pero 'di sya tumakbo pero 'di sya tumakbo

Sinong takot? Sinong tumitiklop?
Sinong tumatakbo 'pag ang kalaban ay nariyan sa likod?
Hindi takot, hindi tumitiklop
Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako
Sa bewang ng supremo

Ako'y kasing tigas ng bakal
Binabad sa apoy para lang mapalambot
Supremo
'Di ako marunong umangal
Kahit na ako'y may martilyong sinasambot

Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko, oh oh

Braso, kamay, ulo, pangalan
Binitbit sa digmaan
Nalasahan ko na
Kaya siguro ganito ang aking pagkakahulma
Sa paraan ng paggamit sakin hindi na nagtaka
Agad nalaman ko na minsan ay kailangan mong itarak
Dugo'y dumanak, nang malaman ang balak
Ng iba na ang tanging hangad ay ang makalamang
Kapag may nililitis ako ang laging nakaabang
'Pag merong nahatulan at 'di makita ang baril
Dahil sanay pumutol ng kahoy ako'ng tagakitil
Pero kung minsan ay nagtatanong may napuntahan ba
Ang walang tigil na pagdaloy ng sapa na pula
At sa palengke ng dahas 'di kailangang bumili
Ang pilit na sinasabi sakin ng pluma ni Jose
Tingin ko yun ay mabagal, ito ang mabilis
Ako nga po pala ang itak na gamit ni Andres
Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko, oh oh

Sinong takot? Sinong tumitiklop?
Sinong tumatakbo 'pag ang kalaban ay nariyan sa likod?
Hindi takot, hindi tumitiklop
Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako
Sa bewang ng supremo

Sinong takot? (Naputulan ng paa pero 'di sya tumakbo)
Sinong tumitiklop? (Naputulan ng kamay pero 'di sya tumakbo)
Sinong tumatakbo 'pag ang kalaban ay nariyan sa likod (Naputulan ng kuko pero 'di sya tumakbo
Pero 'di sya tumakbo pero 'di sya tumakbo)

Hindi takot (Naputulan ng paa pero 'di sya tumakbo)
Hindi tumitiklop (Naputulan ng kamay pero 'di sya tumakbo)
Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako (Naputulan ng kuko pero 'di sya tumakbo)
(Pero 'di sya tumakbo pero 'di sya tumakbo)
Sa bewang ng supremo
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net