Mutya lyrics
by Nonoy Zuñiga
[Verse 1]
Tulad mo ay isang kristal
Iniingatan, minamahal
Obra maestra ng Maykapal
Ay iyong ganda, aking hirang
[Verse 2]
'Di malapitan, 'di masaling
Pedestal mo'y 'di kayang abutin
Ngunit bakit ikaw pa rin
Ang siyang mutya ng damdamin
[Pre-Chorus]
Iibigin ka nang tunay at wagas
Ikaw lamang, mutya ng Pilipinas
Dahil sa taglay mong yumi at ganda
Wala kang kasing halaga
[Chorus]
Mutya ng Pilipinas, ika'y nagniningning
Tulad ng isang bituing 'di ko kayang angkinin
Mutya ng Pilipinas, ipagpatawad mo
Kung ang tulad ko ay umibig sa 'yo
[Pre-Chorus]
Iibigin ka nang tunay at wagas
Ikaw lamang, mutya ng Pilipinas
Dahil sa taglay mong yumi at ganda
Wala kang kasing halaga
[Chorus]
Mutya ng Pilipinas, ika'y nagniningning
Tulad ng isang bituing 'di ko kayang angkinin
Mutya ng Pilipinas, ipagpatawad mo
Kung ang tulad ko ay umibig sa 'yo
[Instrumental Break]
[Chorus]
Mutya ng Pilipinas, ipagpatawad mo
Kung ang tulad ko ay umibig sa 'yo