Kamikazee

"Uno"

[Verse 1]
Oh, upod na ang tsinelas at tila ba parang pasan mo ang buong daigdig
Kay rami ng napagdaanan
Tanaw mo na pero bakit gano'n?
Ang hirap marating

[Pre-Chorus]
Pagpagin ang galos at dumi
Wala lang 'yan, bumangon kang muli

[Chorus]
Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi
At darating din ang sandali
Balang araw, magwawagi

[Verse 2]
Oh, mapaglarong tadhana
Ilang ulit nang nasugatan, may lalalim pa ba?
Kumapit ka (kumapit ka), at maniwalang
Walang iba, kundi ikaw
Sariling sasagip

[Pre-Chorus]
Pagpagin ang galos at dumi
Wala lang 'yan, bumangon kang muli

[Chorus]
Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi
At darating din ang sandali
Balang araw, magwawagi

[Bridge]
Wala namang nagsasabi na ang buhay ay kay dali
Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi

[Chorus]
Ilang ulit mang magkamali
Balang araw, magwawagi
At darating din ang sandali
Balang araw, magwawagi

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2018 Bee Lyrics.Net